Umatras na si Inday! Confidential funds ng OVP, hindi na isusulong ni VP Sara

Ipinagbigay-alam na rin ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pasya sa Senado kung saan tinatalakay ang budget ng Office of the Vice President (OVP) sa plenaryo.

Inurong na si Vice President Sara Duterte ang kanyang panukalang paglaan ng pondo para sa confidential at intelligence funds (CIF) ng kanyang tanggapan, matapos umani ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na tanging paghahain lamang ng budget proposal ang magagawa ng kanyang tanggapan, at nagpasya na itong huwag nang isulong ang paglaan ng CIF para sa pondo nito sa susunod na taon.

“The Office of the Vice President (OVP) can only propose a budget to support the safe implementation of our programs, activities, and projects to alleviate poverty and promote the general welfare of every Filipino family,” aniya. “Nonetheless, we will no longer pursue the Confidential Funds”

“Why? Because this issue is divisive, and as the Vice President, I swore an oath to keep the country peaceful and strong,” dagdag pa ni Duterte.

Matatandaang sinabi ni Duterte na maituturing na kalaban ang sinumang tutol sa confidential funds.

“Anyone who attacks or undermines funds allocated for peace and order is naturally assumed to have insidious motivations. Such actions go against the protection and well-being of the citizenry. Those who seek to compromise the security and development of our nation jeopardize the very fabric of our society and hinder our progress,” unang sinabi ni Duterte.

“Tandaan ninyo—kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan,” aniya.

Sumulat rin ang OVP kay Senador Sonny Angara, chair ng Senate finance committee na nagsusulong ng budget ng gobyerno sa Senado, upang ipaalam ang pasya ni Duterte.