Ukraine magbubukas ng embassy sa Manila

Inanunsyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magbubukas ang Ukraine ng embassy sa Maynila ngayong 2024.

Inanunsyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magbubukas ang Ukraine ng embassy sa Maynila ngayong 2024.

Sa pagbisita ni Zelensky sa Malacañang, pinagtibay nito ang relasyon ng Ukraine at ng Pilipinas, partikular na nagpasalamat ang Ukrainian president sa pagkondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-atake ng Russia sa kanilang bansa.

Dito rin binahagi ni Zelensky ang pagtatayo ng Ukrainian embassy sa ‘Pinas.

“And I’m also very happy that this year we will open an embassy in Manila, that’s very good decision,” lahad ni Zelensky.

Samantala, nagalak naman si Marcos sa pagkikita nila ni Zelensky lalo pa’t alam nitong busy ang Ukrainian leader dahil sa nangyayaring tensyon sa kanilang bansa.

“It is a great pleasure to meet with you to discuss some of the issues that are common to our two countries. And hopefully find ways forward for the both of us together. But once again, I wish it were under better circumstances but I’m happy that you’re able to come and visit with us, Mr. President,” lahad ni Marcos.