UK, Japan, tinitingnan na makasama ng PH Coast Guard sa mga joint maritime exercise

Tinitingnan ng Philippine Coast Guard na makipag-partner sa United Kingdom at Japan para sa joint maritime exercises

Posibleng sumunod ang United Kingdom (UK) sa Estados Unidos at Japan bilang susunod na katuwang ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga joint maritime exercises, ayon sa tagapagsalita ng ahensiya.

Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, ang pakikipagtulungan ng UK sa Pilipinas ay isa sa mga “key points” na tinalakay ng PCG at ni UK Foreign Secretary James Cleverly sa opisyal na pagbisita nito PCG headquarters noong Agosto 29.

Sinabi ni Balilo sa The STAR na si Secretary Cleverly ay nagpakita ng “keen (interest) to explore opportunities with PCG such as holding (an) exercise at sea.”

Paglilinaw naman ni Balilo, ang nasabing pag-uusap ay nasa early stages pa lamang at wala pang mga opisyal na nakakasa tungkol sa nasabing joint maritime exercises. Wala pa rin umanong mga konkretong detayle ukol dito.

Gayunpaman, iniulat Balilo na ipinahayag ni Secretary Cleverly ang pagsuporta ng UK sa UNCLOS bilang pundasyon ng magandang relasyon ng mga bansa. Dagdag pa ni Balilo, pinuri rin umany ng secretary ang PCG sa kanilang propesyonalismo sa paghawak ng mga maritime incidents sa West Philippine Sea.

Ayon pa sa tagapagsalita ng PCG, tinayak rin ng ni Secretary Cleverly ang patuloy na pagsuporta ng UK sa PCG.