Ugali reveal sa halagang P299! Mag-jowa ng 8 taon, nauwi sa hiwalayan matapos isiwalat ni girl ang ‘mumurahing’ engagement ring

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila negatibong sentimiyento ng babaeng nakatanggap ng halagang P299 na engagement ring. Ang nagbigay, aminadong nasaktan rin sa mga batikos sa kaniya, pero may bwelta ito.

Viral ngayon sa social media ang sentimiyento ng isang dalagang tila hindi masaya sa natanggap nitong engagement ring sa kaniyang nobyo ng walong taon na.

Sa isang anonymous post sa Hugot Ni Juan Facebook page, ikinuwento ng babae ang kaniyang pagkadismaya sa engagement ring na nagkakahalaga lamang ng P299 pesos at nabili pa sa Shopee.

“My bf of 8 years just proposed to me. But na-giguilty ako kasi, I am upset due to the fact na the engagement ring only cost 299,” kwento niya.

Kasunod niyan ay nagtanong pa ito: “Ganito lang ba kababa yung halaga ko sa kaniya na hindi man lang niya pinag-ipunan pambili ng ring? Or hindi ko ba dapat i-big deal? Am I too immature to feel this way?”

Sari-saring komento at reaksiyon na ang naglipana sa social media dahil sa naturang post.

Ang iba, imbiyerna kay ate girl, na tila mas pinahahalagan ang presyo na isang bagay kaysa sa pagmamahal na ibinigay ni guy sa kaniya sa loob ng walong taon.

Meron din namang suportado si ateng, at pinayuhan itong kausapin ang nobyo tungkol dito.

Sumagot na rin ang lalaking nagbigay ng singsing, at aminado itong nasaktan sa sentimiyento ng kasintahan.

“It hurts a lot for me na feeling ko hindi niya na-appreciate ‘yung effort ko for her. Is it really matter about the price of the engagement ring,” saad ni lalaki sa post niya gamit ang anonymous account. Hindi rin matukoy kung ito nga ang pagmamay-ari ng ex-BF ni ategurl

Ayon pa sa kaniya, breadwinner siya at may mga pinagdadaanan ang pamilya niya kaya mas pinili niyang bumili ng mumurahing singsing muna.

Nasaktan rin umano siya sa mga negatibong reaksyon at mga batikos sa kanya sa social media na tila hinuhusgahan na pati pagkatao niya.

“Iba-iba po tayo ng pinagdadaanan sa buhay,” aniya. “Kung para sa inyo napaka cheap ko, well, naiintindihan ko po kayo.”

Sa huli, sinabi niyang nakipaghiwalay na siya sa nobya niya ng walong taon dahil “eye opener” ang ginawa ng huli.