Tutuluyan ng PAWS! Pumatay kay Killua, kakasuhan na

Ikinakasa na ang mga kasong isasampa laban sa lalaking pumaslang sa golden retriever sa Camarines Sur na si Killua.

Ikinakasa na ang mga kasong isasampa laban sa lalaking pumaslang sa golden retriever sa Camarines Sur na si Killua.

Katuwang ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), magsasampa sa Lunes, March 25, ang fur mom ni Killua na si Vina Rachelle Arazas ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 laban kay Anthony Solares.

Pinabulaanan ng PAWS ang dahilan ng suspek na self-defense lamang ang kaniyang ginawa dahil sa pangangagat umano ng aso.

Ayon sa PAWS, kitang-kita sa video evidence na walang bahid ng self-defense dahil mismong si Solares ang humahabol sa aso para saktan ito.

“The animal offender claims that this was an act of self-defense, but video evidence shows that Killua, the dog, was being chased by him and none of the elements of self-defense (unlawful aggression, reasonable necessity of the means employed to repel the attack, and lack of provocation on the part of the person defending himself) were present,” pahayag ng PAWS.

”Further, there are humane ways of animal control. The City Veterinarian’s Office can be called in for this task. Clearly, there was no reason for Killua to be killed in this manner, as she was not harming anyone,” dagdag pa nito.