Tutulong sila sa ‘tin: Saudi Arabia, iba pang Middle East, interesado sa MIF—PBBM

Matagumpay ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia dahil kakuha ito ng bilyong-pisong halaga ng mga investment, at naisulong pa ang kapakanan ng mga OFW. Nakuha rin niya ang interest ng mga bansa sa Middle East para mamuhunan sa Maharlika Investment Fund.

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na interesado ang Saudi Arabia, pati na rin ang iba pang mga bansa sa Middle East, na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF) ng bansa.

“Other Gulf countries have expressed an interest. And I am very encouraged and quite happy by the fact that the reaction that we got from our partners in Saudi Arabia and in other countries has been very, very encouraging,” sabi ni Marcos sa isang panayam sa mga mamamahayag nitong Biyernes, Oktubre 20.

“Gusto talaga nila na magkaroon, na tumulong, at makilahok sating investment dahil naipakita naman natin na magandang invest talaga para sa kanila ito,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, nakausap rin niya ang mga opisyal ng Saudi Arabia tungkol sa Public Investment Fund (PIF) nito, na siya namang bersyon nila ng MIF.

“We have gone into, we have already started, we detailed talks with their PIF, which is the equivalent here in Saudi Arabia. It is their investment fund and how we can do it, how we can work together,” sambit pa ni Marcos.