TUPAD payouts, job fairs kasado sa Labor Day – DOLE

Nakatakdang magsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng cash and livelihood assistance sa lahat ng manggagawa sa Miyerkoles.

Nakatakdang magsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng cash and livelihood assistance sa lahat ng manggagawa sa Miyerkoles.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, ito ay gagawin bilang paggunita sa 122nd Labor Day at ika-50 anibersaryo ng Labor Code ng Pilipinas.

Bukod pa riyan ay magkakaroon din ng job fair para naman sa lahat ng naghahanap ng trabaho.

“Dalawang bahagi ang pagdiriwang. Una, ay ang job fairs. Lampas 100 na yata ang sites. Magkakaroon tayo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) payouts. Awarding ng livelihood grants,” ani Benavidez.

Mayroon umanong higit sa 200,000 na bakanteng trabaho sa sektor ng manufacturing, accommodation, at retail na bubuksan. Kabilang din ang pagiging cashier, sales clerk, carpenter, at iba pa.