Tuna pa more! Pilipinas, kilala na rin bilang isa sa mga nangungunang tuna producer sa buong mundo – DA

Tanyag na rin ang Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang producer ng tuna sa buong mundo, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture.

Tanyag na rin ang Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang producer ng tuna sa buong mundo, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture.

Sa kanyang mensahe sa pagwawakas ng ika-23 na National Tuna Congress and Trade Exhibit sa General Santos City, masayang ibinahagi ni DA Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate na nakag-produce ang bansa ng higit sa 400,000 metriko tonelada na tuna.

“With unwavering determination, we have elevated the Philippines to the ranks of the world’s leading tuna producers. Last year’s impressive production of over 475,000 metric tons speaks to our diligence and the richness of our marine biodiversity — a remarkable achievement for a country of our size,” ani Bayate.

“At sa kabila ng liit natin, nakakapag-export pa tayo. More than 107,000 metric tons of tuna were exported last year. Nakaka-proud talagang maging Pilipino,” dagdag pa niya, at sinabing patunay ito ng malaking potential ng industriya ng tuna ng bansa.

Ayon sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, umabot ang produksyon ng tuna sa 10.25 percent ng kabuuang produksyon ng bansa noong 2022.

Malaking bagay ang mga ipinatupad na polisiya ng BFAR upang pagyamanin ang bilang ng tuna sa bansa. Kasama sa mga inisyatibo ng BFAR ang pagtataguyod ng 12 Fisheries Management Areas, pagpapatakda ng tatlong bagong Fisheries Administrative Orders na may kinalaman sa tuna fisheries, at ang pagpapatupad ng mga proyekto tulad ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) at National Lambaklad at Payao Program.