Tumakas ang mga duwag: 1 sundalo, sugatan sa engkwentro kontra NPA sa Batangas

Tunay ngang delikado ang mga miyembro ng militar dahil sa presensya ng mga NPA sa probinsiya, na madalas nilang nakaka-engkwentro.

Sugatan ang isang sundalo sa nangyaring engkwentro ng Armed Forces of the Philippines kontra sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Lobo, Batangas nitong Lunes, Oktubre 16.

Dinala sa ospital si Pvt. Artemio Avila Jr. para gamutin ang tama ng bala ng baril.

Sinabi ng militar na naka-deploy ang mga sundalo mula sa 59th Infantry Battalion sa Barangay Bignay matapos makatanggap ng mga ulat na may presensya ng mga rebeldeng NPA, nang sila ay paputukan.

Umatras ang mga rebelde na pinamumunuan ng isang nagngangalang “Arya” dahil mas maraming sundalo ang naka-deploy sa lugar.

Sinabi ng mga awtoridad na hindi matukoy ang bilang ng mga rebeldeng pinaniniwalaang sugatan, dahil sa nakitang bahid ng dugo sa kanilang ruta na pinagtakasan.