Tumabo sa takilya! ‘Rewind’ pinarangalan ng Senado

Kinilala ng Senado ang pelikulang "Rewind" nitong Lunes kaugnay ng tagumpay nito sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kinilala ng Senado ang pelikulang “Rewind” nitong Lunes kaugnay ng tagumpay nito sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Inihain ni Sen. Robinhood Padilla ang Senate Resolution No. 909 na nagpaparangal sa “Rewind,” na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Batay sa datos noong Enero 17, umabot sa higit P815 milyon ang kinita ng naturang pelikula sa loob pa lamang ng bansa. Ito na ang highest grossing film sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

“This achievement is a testament to the return of a vibrant and flourishing Philippine film industry – attributed to the hard work and commitment of artists, writers, directors and all members of the production teams,” saad ni Padilla sa kanyang resolusyon.

“Dingdong Dantes and Marian Rivera-Dantes serve as inspiration, not only as artists on screen but also as one of the inspiring couple celebrities championing family values, entrepreneurship and philanthropic deeds to help our fellow countrymen,” dagdag pa niya.

Dumating sa Senado nitong Lunes sina Dantes at Rivera, gayundin ang direktor ng pelikula na si Mae Cruz Alviar at iba pa nilang crew upang tanggapin ang parangal.