Tulungan tayo! Pilipinas, nakatakdang tulungan ng Estonia sa e-governance at cybersecurity

Inihahanda na ng DICT ang isang Memorandum of Understanding para sa nakatakdang pagtulong ng Estonia sa e-governance at cybersecurity ng Pilipinas.

Nakatakdang magtulungang ang Pilipinas at Estonia upang pag-igtingin pa ang digitalization efforts ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, partikular na pagtutuunan ng dalawang bansa ang e-governance at cybersecurity ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, binubuo na ng pamahalaan ang isang Memorandum of Understanding (MOU) upang mapagtibay ang planong pagtutulungan ng Pilipinas at Estonia.

“The proposed MOU between the Philippines and Estonia will pave the way for future agreements in other fields of ICT (information and communications technology), support the government’s digital transformation, and enhance the country’s cybersecurity posture,” paliwanag ni Uy sa isang opisyal na pahayag na inilabas ng DICT nitong Huwebes, Setyembre 14.

Sinabi rin ni Uy na inaasahan n ani Prime Minister Kaja Kallas ng Estonio ang nasabing MOU kaklaruhin ang balangkas ng pagtutulungang ito, na isasama rin ang pagbuo ng mga polisiya ukol sa artificial intelligence at iba pang mga makabagong teknolohiya.

Matatandaang nauna nang ibinida ni Pangulong Marcos na “in full swing” na ang digitalization initiative ng bansa.