Tuloy-tuloy ang paglikas! 34 pang Pilipino mula Gaza, nakauwi na rin

Tiniyak rin niyang tinatrabaho pa ng DFA ang pag-uwi sa bansa ng iba pang mga Pilipino.

Nakauwi na sa Pilipinas ang 34 na Pilipino mula Gaza Strip nitong Biyernes, Nobyembre 10, matapos maipit ng ilang linggo sa karahasan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang mga Pilipinong nakauwi, na kabilang sa 40 Pilipino na tumawid sa Rafah border crossing nitong nakaraang linggo lang rin.

“I admire the strength and resilience of our kababayan who had to endure the arduous journey out of Gaza. Finally, they are home,” saad ni Manalo.

Tiniyak rin niyang tinatrabaho pa ng DFA ang pag-uwi sa bansa ng iba pang mga Pilipino.

“[The DFA] is working to facilitate the repatriation of more Filipinos, and I am hopeful of further positive news in the coming days,” aniya.

May kasama ring isang Palestino ang mga umuwing Pilipino.