Tuloy pa rin ang trabaho mula isolation: PBBM, positibong muli sa COVID-19

Sa ikatlong pagkakataon, nagpositibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa COVID-19. Sasailalim siya sa limang araw na isolation, ngunit ipagpapatuloy pa rin ang pulong na nakatakdang daluhan niya.

Nagpositibo na naman sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

“President (Ferdinand) Bongbong Marcos has tested positive for COVID-19. Upon medical advice, he will observe a period of isolation for five days,” saad ng PCO sa isang anunsyo. “The President remains fit to carry out his duties and will be continuing his scheduled meetings via teleconference.”

Ito na ang pangatlong pagkakataon na nagpositibo si Marcos sa COVID-19.

Kaugnay niyan ay hinikayat niya ang publiko na mas mag-ingat sa kanilang kalusugan.

Tiniyak naman ng PCO na magbibigay ito ng mga regular updates sa kalusugan at kundisyon ng pangulo, na unang nagka-coronavirus noong Hulyo 2020.