Tuloy na tuloy na! Modernisasyon ng jeepney, hindi pa pinahihinto ng Korte Suprema

Kasama sa pagpapatupad ng PUVMP ang pagkansela sa prangkisa ng mga jeepney na hindi konsolidado, na kabilang sa mga inaalmahan ng PISTON at iba pang transport groups.

Hindi dininig ng Korte Suprema ang petisyon ng mga jeepney operator na magbaba ng temporary restraining order (TRO) para pigilan sana ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan simula Enero 1, 2024—isang araw matapos ang huling araw ng konsolidasyon.

Gayunpaman, hiningi ng Korte Suprema ang komento ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa naturang petisyon.

Dapat itong maibigay ng dalawang ahensiya 10 araw pagkatanggap nila.

BASAHIN RIN: Wala nang atrasan, wala nang bawian: Konsolidasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program, hanggang Disyembre 31 lamang—PBBM

“The Supreme Court has issued an Order requiring the Department of Transportation and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board to comment on the Petition for Certiorari and Prohibition with Urgent Application for a Temporary Restraining and/or Writ of Preliminary Injunction filed against them by public utility jeepney operators and transport groups, led by PISTON, within anon-extendible period of 10 days from notice,” saad sa press brief na inilabas ng public information office (PIO) ng Korte Suprema.

Kasama sa pagpapatupad ng PUVMP ang pagkansela sa prangkisa ng mga jeepney na hindi konsolidado, na kabilang sa mga inaalmahan ng PISTON at iba pang transport groups.

BASAHIN RIN: Paano na lang ang commuter? Transport groups, kokontrahin si PBBM sa PUV modernization hanggang sa dulo ng walang hanggan!