Tuloy na tuloy na: ‘Accountability,’ ‘openness’ ng MIF, tiniyak ni PBBM—DBM

Ang board ng Maharlika Investment Corp. ang magpapatakbo at mangangasiwa ng MIF, at tiniyak ng pangulo na magiging accountable ito, ayon sa isang opisyal.

Titiyakin ng nirepasong implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) na may accountability, openness, at efficacy sa pagpapatupad nito.

Iyan ang sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman nitong Linggo, Nobyembre 12, sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, tiniyak rin ni Marcos na ang mga magiging miyembro ng Maharlika Investment Corporation (MIC) Board ay magkakaroon ng “necessary freedom to oversee the fund without undue political interventions that will impede its fulfillment of functions.”

Ang MIC Board ang magpapatakbo at mangangasiwa ng MIF.

“I am glad of this development, as this shall allow the MIC Board to have the liberty and flexibility to fulfill its mandate, and explore beneficial investment opportunities while adhering faithfully to the letter of the law and ensuring high-impact investments that are in line with the country’s socioeconomic development policies and programs,” paliwanag ni Pangandaman.

Tiwala rin siyang magiging operational na ang MIF bago matapos ang taon, ilang buwan matapos itong maging ganap na batas.