Tuloy ang trabaho habang may isolation! PPP Code, internet transactions act, ganap na batas matapos lagdaan ni PBBM

Pangungunahan dapat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing nito Martes ng umaga, Disyembre 5, ngunit kinansela ito matapos mag-positive siya sa COVID-19. Kasalukuyang nasa isolation ang Pangulo at nagpapagaling.

Ganap na batas na ang Public-Private Partnership Code of the Philippines (PPP Code) at Internet Transactions Act of 2023 matapos pirmahan ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pangungunahan dapat ni Pangulong Marcos ang ceremonial signing nito Martes ng umaga, Disyembre 5, ngunit kinansela ito matapos mag-positive siya sa COVID-19. Kasalukuyang nasa isolation ang Pangulo at nagpapagaling.

Nilagdaan na lang ng Pangulong Marcos ang mga batas sa Bahay Pangulo, kung saan sinabi niya na patunay ito sa kahandaan ng bansa na patuloy na pag-unlad sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ang pagsasabatas ng PPP Code, o Republic Act No. 11966, ay magtataguyod ng matatag at malinaw na mekanismo para magtulungan ang pribado at pampublikong sektor sa mga pagawaing bayan tulad ng imprastraktura. Makakagaan ito sa gastusin ng gobyerno, at magagamit ang karagdagang pondo para sa mga social services ng mga mamamayan.

Inilagay rin sa PPP Code ang mga magagandang diskarte na nakita at naranasan sa mahigit tatlong dekada ng pagpapatupad ng Build-Operate-Transfer (BOT) Law.

Samantala, magbibigay naman ng mekanismo para sa digital economy ang Internet Transactions Act of 2023 (ITA) o Republic Act No. 11967.

Sa ilalim ng ITA, ipinapakita nito ang determinasyon ng gobyerno na protektahan ang mga mamimili at gamitin ang e-commerce para sa pag-unlad ng bansa.

Magtatatag ng E-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na inatasang magpatupad ng ITA, maging ang Electronic Commerce Act of 2000, at Philippine E-Commerce Roadmap.