Tuloy ang pagpapadala ng tropa! Militar, pulis, magtutungo pa rin sa mga UN peacekeeping missions sa buong mundo—DND official

Nangyayari ang UNPKMM kada dalawang taon kung saan pinupulong nito ang mga foreign at defense ministers, at maging ang mga matataas na opisyal mula sa UN member states, na layuning palakasin pa ang isinasagawang peacekeeping operations.

Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagpapadala nito ng mga tropa sa peacekeeping operation bilang ambag ng bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong mundo, ayon sa Department of National Defense (DND).

Ginawa ng bansa ang naturang pahayag sa pulong na ginawa sa 2023 United Nations Peacekeeping Ministerial Meeting (UNPKMM) sa Accra, Ghana, ayon kay defense undersecretary for capability assessment and development Angelito de Leon.

Sinabi ng kagawaran sa isang pahayag na nagbigay ng panibagong commitments ang Pilipinas.

“He also committed one Quick Reaction Force Company and one Military Engineering Company to the UN Peacekeeping Capability Readiness System as new pledges,” ayon sa pahayag ng DND.

Kasalukuyang nagpapadala ang gobyerno ng Force Headquarters Support Unit at Aeromedical Evacuation Module.

Bumubuo rin ang Pilipinas ng Formed Police Unit, kasama pa ang kasalukuyang pinadadalang mga pulis para sa UN mission sa South Sudan, ayon sa kagawaran.

Inihayag rin ni De Leon ang intensyon ng Philippine National Police na mag-host ng 2024 roll-out ng UN Certified Instructors Development course.

Nangyayari ang UNPKMM kada dalawang taon kung saan pinupulong nito ang mga foreign at defense ministers, at maging ang mga matataas na opisyal mula sa UN member states, na layuning palakasin pa ang isinasagawang peacekeeping operations.