Tuloy ang ligaya! Taas sahod, inaasahan sa 3 pang rehiyon – DOLE

Nakaambang matapos ang proseso ng taas-sahod sa National Capital Region, Calabarzon, at Central Visayas, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma

Inaasahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na susunod na rin ang iba pang rehiyon sa tatlong lugar kung saan nagpatupad ng taas sahod sa minimum wage.

Aniya, tuloy-tuloy ang pagtalakay ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa mga nakabinbin na petisyon sa pagtaas ng minimum wage sa kani-kanilang mga rehiyon.

“Nakikita ko po sa direksyon ng kanilang ginagawang proseso baka hindi ho maglilipat taon, lahat po ng mga regions meron na pong adjustments,” sinabi ni Laguesma sa isang panayaw sa radyo.

Anim na rehiyon ang nakatapos na ng proseso ng mga pagdinig: National Capital Region, Calabarzon, Central Visayas, Cagayan, Central Luzon, and Soccsksargen. Kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang rekomendasyon ng RTWPB sa Cagayan, Central Luzon, and Soccsksargen kamakailan.

Inaantay na lang wakasan ang mga public hearing sa National Capital Region, Calabarzon, at Central Visayas, upang sumailalim na sa susunod na bahagi ng proseso, ang wage deliberation at paglabas ng wage orders, paliwanag ni Laguesma.