Tulong-tulong kontra climate change! PBBM: Ipatupad ang mga plano para makasabay ang Pilipino sa pagbabago ng klima; ‘high-risk’ areas, pinatututukan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kawani ng pamahalaan na pag-igtingin ang implementasyon ng National Adaptation Plan 2023–2050, partikular na sa mga rehiyong “high risk.” Nais rin niyang magsagawa ang mga ito ng information campaign para mas maintindihan ng publiko ang mga plano ng pamahalaan laban

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kawani ng pamahalaan na pag-igtingin ang implementasyon ng National Adaptation Plan (NAP) 2023–2050, partikular na sa mga rehiyong “high risk.”

Nais rin ng Pangulong Marcos na magsagawa ang mga ito ng information campaign para mas maintindihan ng publiko ang mga plano ng pamahalaan laban sa climate change.

“It’s a completely different situation when it comes to climate change… We have to try and work our way down through the system—the economic system—so that we can address the specific situations, the specific conditions [of each area],” sabi ni Marcos sa isang pulong kasama ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan nitong Miyerkules, Enero 24, upang talakayin ang mga napagkasunduan sa 28th Conference of the Parties (COP28).

Iprinisenta rin kay Marcos sa nasabing pulong ang NAP 2023–2050 kasama ang Nationally Determined Contribution Implementation Plan (NDCIP) 2023–2030.

“The best that we can do is number one, be very specific on what is necessary for the Philippines. If we take care of the Philippines, we can bet with confidence that we are doing our part. So, asikasuhin muna natin ‘yung Pilipinas. Let’s focus on that,” saad pa ng pangulo.

Dagdag pa ni Marcos, mahalaga ring mabigyan ng tamang mga patakaran at suporta ang mga lokal na pamahalaan upang sila mismo ang makapagpatupad ng iba’t ibang inisyatibo kontra climate change.