Tulong sa mga nasalanta ng El Niño pumalo ng P2 bilyon

Higit P2 bilyon na ang nailaan ng pamahalaan upang abutan ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño.

Higit P2 bilyon na ang nailaan ng pamahalaan upang abutan ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na P1.26 bilyon mula sa nabanggit na halaga ang napunta sa mga magsasaka sa Cagayan Valley, Mimaropa, at Soccsksargen sa pamamagitan ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).

Ang natitirang bahagi ng naturang halaga ay ginamit sa pamamahagi ng pataba, proyektong pang-irigasyon, pautang, mga makinarya, at mga binhi.

Bukod pa rito, namahagi rin ang DA ng mga alagang hayop, nagsagawa ng cloud seeding, at naghukay ng mga water pump.

Sa tala ng DA, umabot na sa P6.35 bilyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura. Ang naapektuhan nito ay 1,221,389 na mga magsasaka at mangingisda.