Tulong sa magsasaka at mangingisda, PBBM sa Kongreso: Ipasa ang panukalang batas laban sa agricultural smuggling

Hiniling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Senado at Kamara na ipasa kaagad ang batas laban sa agricultural smuggling.

Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa agricultural economic sabotage.

Sumulat ang Pangulo sa mga lider ng Kongreso matapos ang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council na nais niyang maipasa agad ang batas na nagbibigay ng karagdagang proteksyon para sa mga magsasaka at mangingisda laban sa mapagsamantalang mga trader at importer.

Ayon sa Pangulo, makakatulong ito sa kanyang prayoridad sa food security at mas maayos na kabuhayan para sa mga magsasaka at mangingisda.

“The need to facilitate the passage of this important piece of legislation is imperative, especially now that the country is beset by rising prices and shortages in agricultural products, partly due to the nefarious acts of smuggling, hoarding, profiteering, and cartel,” sinabi ng Pangulong Marcos sa kanyang liham kina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Migz Zubiri.

“It will also promote the productivity of the agricultural sector, protect farmers and fisherfolk from unscrupulous traders and importers, and ensure reasonable and affordable prices of agricultural and fishery products for consumers,” ayon kay Pangulong Marcos.

Kasalukuyang pinagdedebatehan sa plenaryo ang panukalang bersyon ng Senado, habang tinatalakay sa isang technical working group ang bersyon ng Kamara.