Tulong at ayuda kasado na! Kamara, DSWD mamimigay ng bigas, cash sa 2.5-M katao sa Metro Manila–Romualdez

Magbahagi ng dekalidad at abot-kayang bigas sa mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Mamamahagi ang mga miyembro ng Kamara at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng bigas at ayuda sa tinatayang 2.5 milyong Pilipino sa susunod na dalawang linggo sa ilalim ng “Malaya Rice Project,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, pagtalima ito sa programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbahagi ng dekalidad at abot-kayang bigas sa mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan.

Inatasan rin ng Pangulo si Romualdez para pangunahan ang pagbabahagi sa Metro Manila.

Ayon pa sa opisyal, makikipagtulungan ang Kamara sa 33 kinatawan nito sa National Capital Region, at kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.

Sinabihan na ni Romualdez ang mga kinatawan sa buong Metro Manila na tumukoy ng 10,000 indigent residents sa kanilang nasasakupan na makakatanggap ng bigas, kasama na rin ang mga nakatatanda, solo parents, at mga may kapansanan.

Makakatanggap ang bawat benepisyaryo ng P1,000 at 15 kilo ng bigas na nagkakahalagang P500 hanggang P600, ayon kay Romualdez.

“And we would like to have this done and replicated in other urban areas. And this will hopefully help alleviate the burden on the people and especially in the non-rice producing areas…And we would like to use this similar mechanism to buy the palay from the rice growers. And this is to afford better prices not just for the consumers, but also for the growers, for the farmers themselves. So we will start this program this October within, I think, within the next two weeks,” dagdag pa ni Romualdez.