Tulay sa Albay bumigay, 15 sugatan

Sugatan ang 15 estudyante matapos bumigay ang isang tulay sa Camanitohan River, sa Manito Albay.

Sugatan ang 15 estudyante matapos bumigay ang isang tulay sa Camanitohan River, sa Manito Albay.

Ayon sa ulat, gawa sa bakal ang tulay at posibleng kinakalawang na kaya ito bumigay.

Naitakbo naman sa pagamutan ang mga biktima, kung saan sila nilapatan ng paunang lunas.

Pansamantalang bangka muna ang ginagamit ng mga residente sa pagtawid sa ilog matapos ang insidente.