Tsuper ng PNP van na sumuway sa EDSA busway sinibak

Sinibak na umano sa pwesto ang awtorisadong tsuper ng van ng Philippine National Police (PNP) na nahuling dumaan sa EDSA busway noong Miyerkoles.

Sinibak na umano sa pwesto ang awtorisadong tsuper ng van ng Philippine National Police (PNP) na nahuling dumaan sa EDSA busway noong Miyerkoles.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ang awtorisadong tsuper ng van ay liaison officer ng Police Regional Office (PRO) 10 sa Mindanao.

“I talked to the regional director ng PRO 10, and he already relieved the authorized driver, and he will face an administrative case for failure to follow specific instructions that marked government vehicles are barred from plying the Edsa busway,” pahayag ni Fajardo.

Gayunman, hindi pa niya tukoy kung ang awtorisadong tsuper ang nagmamaneho ng van nang dumaan ito sa EDSA busway.

Ang mga sasakyan ng pulisya ay maaari lamang gumamit ng EDSA busway sa oras ng emergency at iba pang operasyon.