Tsunami warning itinaas sa 4 na lugar sa Luzon

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami warning sa apat na lugar sa hilagang bahagi ng Luzon kaugnay ng 7.5 magnitude na lindol na yumanig sa Taiwan ngayong Miyerkules.

Ang Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Isabela ang mga lugar na binalaan sa posibleng tsunami.

Ayon sa mga ulat, naitala ang pagyanig sa silangang bahagi ng Taiwan. Ito na umano ang pinakamalakas na lindol sa naturang bansa sa loob ng 25 taon.

Bukod sa Pilipinas, inalerto rin ng Japan ang ilang bahagi ng kanilang bansa kaugnay ng posibleng tsunami.