Tsismis pa more! Bea Alonzo kinasuhan ng libel sina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Sinamapahan ni GMA actress Bea Alonzo ng kasong cyber libel sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Sinamapahan ni GMA actress Bea Alonzo ng kasong cyber libel sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Kasama ang kanyang manager na si Shirley Kuan at legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia ay nagsampa ng kasi si Bea sa Quezon City Hall ngayong Huwebes.

Ayon sa abogado ni Bea, isa sa mga karapatan ng aktres na ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga mapanirang pahayag nina Cristy, Ogie, at limang hindi na pinangalanang indibidwal.

Sa loob umano ng 20 taon na nasa industriya si Bea ay ngayon niya lang gagawin ito dahil sa masasakit na sinasabi ng mga akusado.

“We believe these respondents saw this coming. They know who they are,” ani Atty. Garcia.

“For the record, this is the very first time that Bea is doing this. She has been in the industry for more than 20 years. She was greatly devastated by all these defamatory statements thrown against her,” dagdag pa nito.

Samantala, hindi naman idinetalye ng abogado ang paninira na binitiwan nina Cristy at Ogie sa kanilang online shows.