True Faith vocalist nagpakasal sa lalaki, banda bubuwagin na ba?

Ikinasal na ang vocalist ng bandang True Faith na si Medwin Marfil sa kanyang high school batchmate na si Mark Angeles.

Ikinasal na ang vocalist ng bandang True Faith na si Medwin Marfil sa kanyang high school batchmate na si Mark Angeles.

Sa California isinagawa ang same-sex marriage ng dalawa. Sa kanyang pagpapakasal, ibinunyag ni Medwin na siya ay parte ng LGBTQ community.

Sa panayam ng ‘TV Patrol’ sa True Faith frontman, sinabi nito na exciting ang panibagong chapter sa kanyang buhay.

“Kasi itong new chapter ko sa buhay, buhay ko dito sa States, buhay na I’m no longer afraid who I am,” saad ni Medwin.

Naitanong din sa kanya kung mabubuwag na ba ang kanilang banda ngayong married na siya.

Aniya, magpapatuloy pa rin ang banda kahit pa siya ay nakabase na sa Amerika.

“Once na puwede na ako bumalik, ang plano ko is balik-balik between Manila and San Francisco. And now that my presence is here na, I can have the guys come over din here to do shows and tours sa North America,” lahad ng band vocalist.