Truck sumalpok, langis nagkalat sa SLEX

Isang tanker truck ang bumangga sa isang concrete post sa South Luzon Expressway (SLEX), nitong Marso 9, Sabado.

Isang tanker truck ang bumangga sa isang concrete post sa South Luzon Expressway (SLEX), nitong Marso 9, Sabado.

Tinatahak ng naturang truck ang kahabaan ng southbound lane ng expressway sa Pasay City nang sumalpok ito sa isang concrete post na siyang nagdulot ng oil spill sa magkabilaang lane.

Dahil sa natapong langis, naging madulas ang daan at nagresulta sa maraming aksidente ng mga motorsiklo.

Agad namang binigyan ng paunang lunas ng mga awtoridad ang mga sugatan, habang abala ang pulisya sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko.