Truck sa Negros Oriental nahulog sa bangin, 14 todas

Patay ang abot sa 14 katao matapos na mahulog sa bangin ang isang truck sa Brgy. Bulwang sa Mabinay, Negros Oriental.

Patay ang abot sa 14 katao matapos na mahulog sa bangin ang isang truck sa Brgy. Bulwang sa Mabinay, Negros Oriental.

Nangyari ang aksidente bandang ala-1:45 ng hapon sa kurbadang parte ng national highway.

Ayon kay Negros Oriental Police Provincial Office spokesperson Police Lieutenant Stephen Polinar, nahulog ang truck sa bangin na may lalim na 20 meters.

14 katao ang nasawi matapos na tumalon ang iba sa truck, habang ang iba ay nadaganan.

Nakaligtas naman ang driver, na pinaliwanag na nawalan siya ng preno dahilan para mawalan siya ng kontrol sa truck.

Mga tao lang ang nakasakay sa truck na patungo sa bayan para bumili ng mga aalagaang baboy.