Truck nahulog sa kanal sa GenSan, 2 dedo

Nahulog sa isang ginagawang kanal ang isang pickup truck sa General Santos City nitong Linggo ng hapon.

Nahulog sa isang ginagawang kanal ang isang pickup truck sa General Santos City nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa report, nangyari ang aksidente sa Brgy. Apopong kung saan nakatulog umano ang driver ng truck.

Kaya naman dumiretso ito sa isang canal construction project na ikinasawi ng dalawa, at 14 naman ang sugatan.

Ang sakay ng pickup truck ay kamag-anak din ng driver. Pauwi na sana ang magkakamag-anak mula sa birthday celebration sa isang resort sa Sarangani.

Nakaligtas naman ang isang baby na nakasakay din sa naturang pickup truck. Maging ang driver ay hindi rin napuruhan sa naturang insidente.