Truck inararo mga rider sa Laguna; driver lasing pala!

Na-huli cam ang pang-aararo ng isang truck sa ilang motorcycle rider sa San Pedro, Laguna.

Na-huli cam ang pang-aararo ng isang truck sa ilang motorcycle rider sa San Pedro, Laguna.

Nangyari ang insidente sa Father Masi Street sa Brgy. San Antonio kung saan abot sa pitong motorsiklo ang tinamaan ng truck. Isa namang rider ang nasugatan.

Nagtangkang tumakas ang truck driver na kalaunan ay sumuko naman agad.

Napag-alaman ding lasing ang 45-anyos na driver na hindi umano awtorisadong magmaneho ng truck.

Nakipagkasundo naman ang driver sa mga nasagasaan ng rider at hindi na magsasampa ng kaso ang mga biktima, ayon sa pulisya.