Trilyones agad ang hahabulin! Bagong Finance Secretary Ralph Recto, target ang P4.235-trilyong kita para sa pamahalaan

Tiniyak rin ni Recto na bilang Finance Secretary ay susundin niya ang National Development Plan na binuo ng pamahalaan ni Marcos. Tiniyak rin niya ang patuloy na pagpapatupad ng macro-fiscal framework ng administrasyon.

Gagawin ang lahat ni bagong Finance Secretary Ralph Recto upang makolekta ang target na P4.235 na kita ng pamahalaan para sa taong ito.

Iyan ang tiniyak niya sa kaniyang oathtaking na bilang bagong pinuno ng Department of Finance (DOF) na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Biyernes, Enero 12, sa Malacañang Palace.

“[I would] make sure that money is spent wisely,” ani Recto sa isang panayam matapos ang oathtaking. “The idea is to stretch every peso, including acting faster on investment.”

Ang P4.235-trilyong revenue target ay unang itinakda ng Development Budget Coordination Committee.

Kaugnay niyan, tiniyak rin ni Recto na bilang Finance Secretary ay susundin niya ang National Development Plan na binuo ng pamahalaan ni Marcos. Tiniyak rin niya ang patuloy na pagpapatupad ng macro-fiscal framework ng administrasyon.