Trillanes: Pro-Du30 Senators kokontrahin pag-aresto kay Quiboloy

Ilang senador na kaalyado ni dating Pangulong Duterte ang kumikilos umano upang kontrahin si Senador Risa Hontiveros sa pagpapa-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang inilahad ni dating Senador Antonio Trillanes IV ngayong Miyekules sa isang X (Twitter) post.

“A few pro-duterte senators are maneuvering to have Sen. Risa’s ruling recommending the issuance of a warrant against quiboloy reversed through a majority vote,” saad ng dating senador.

“We can’t let it happen. Let us support Sen. Risa by calling for the arrest of Quiboloy. Senators are sensitive to public opinion kaya iparamdam natin kung ano ang pulso ng bayan,” dagdag niya.

Si Quiboloy ay dating spirit adviser ni Duterte at kilalang supporter ng dating Pangulo.

Matatandaang inirekomenda ni Hontiveros na ma-contempt at ipa-aresto si Quiboloy kasunod ng pagsuway nito sa subpoena ng Senado hinggil sa imbestigasyon ng Committee on Women, Children, Fami­ly Relations and Gender Equality.

Nahaharap si Quiboloy sa mga reklamo ng pang-aabuso ng ilang miyembro ng kanyang simbahan. Ang kaniyang TV network na SMNI ay nahaharap din sa imbestigasyon sa Kamara.

Inamin ni Quiboloy na kasalukuyan siyang nagtataho dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Wanted ang Pastor sa Estados Unidos dahil sa kasong human trafficking.