Trillanes: PNP officials bigo maka-recruit para sa ‘oust Marcos’ campaign

Aktibong nagre-recruit ang senior members ng Philippine National Police (PNP) para mapatalsik si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Aktibong nagre-recruit ang senior members ng Philippine National Police (PNP) para mapatalsik si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Trillanes na mayroon umanong na-identify na mga nagre-recruit simula pa nakaraang taon.

Subalit bigo umano ang mga ito na makapaghanap ng kanilang magiging miyembro.

“May na-identify na active senior PNP officials na nagrerecruit since last year, pero wala pa silang narerecruit,” ani Trillanes.

Dagdag pa riyan, maging ang mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naghahanap umano ng aktibong sundalo na sasali sa kanilang samahan.

Aniya, maaaring mayroon nang sense of urgency ang mga recruiter na ito dahil mag-iisyu na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) sa mga susunod na buwan.

“Ngayon siguro it’s a matter of survival na meron na silang sense of urgency to oust President Marcos,” dagdag pa nito.