Trillanes nag-ngitngit sa Duterte-China secret deal: Mambubudol talaga!

Binanatan ni dating Senador Antonio Trillanes IV si ex-President Rodrigo Duterte dahil sa umano’y naging “secret deal” nito sa China sa usapin ng West Philippine Sea.

Binanatan ni dating Senador Antonio Trillanes IV si ex-President Rodrigo Duterte dahil sa umano’y naging “secret deal” nito sa China sa usapin ng West Philippine Sea.

“Si Duterte pala ang may secret deal with China re WPS na inamin mismo ng China. Tapos kami raw ni PNoy ang nagbenta ng Scarborough kahit si PNoy nga ang nagpabasura ng 9-dash line sa Arbitral Tribunal,” giit ni Trillanes.

“Mambubudol talaga tong taong to,” hirit pa ng dating mambabatas.

Matatandaang inakusahan ni Duterte si Trillanes ng pagiging traydor matapos pangunahan ang back channel talks ng Pilipinas at China noong panahon ni yumaong dating pangulong Noynoy Aquino.

Kamakailan ay pumutok ang balitang nagkasundo umano ang noo’y presidente na si Duterte at ang China na isang vessel lang ang papayagan na makapasok sa Ayungin Shoal para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Isa pa sa umano’y ‘understanding’ ng dalawang kampo ay hindi magdadala ng mga ‘large-scale building materials’ ang Philipinas sa Ayungin na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.