Trillanes inalmahan si De Lima: Malacañang, walang kinalaman sa SP ouster

Kinontra ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang sinabi ng kapwa niya dating senador, Leila De Lima na kaya may pinapatalsik na Senate President (SP) ay dahil hindi nito napagsisilbihan nang tama ang Malacañang.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), klinaro ni Trillanes na ang kakayahang manatili bilang Senate leader ay nakadepende sa personal na relasyon ng magiging pangulo ng mataas na kapulungan at ng mga senador.

“The motivations of individual Senators may vary as to why they would support a prospective SP (Senate president), which may or may not be related to Malacañang affiliations,” aniya.

Ginawang halimbawa ni Trillanes ang ginawang pagboto ni De Lima noong 2016 kay Senator Aquilino “Kiko” Pimentel III na maging SP kahit na kaalyado ng palasyo si Pimentel.

Hindi rin daw pinalitan si dating SP Tito Sotto sa kabila ng pagpalag ng mga dating senador kay Duterte.

Dagdag niya, ito ay nagpapakita lamang ng lakas ng Senado bilang isang demokratikong institusyon.

TINGNAN: