Trillanes: Ibasura si Duterte sa 2025!

"#IbasuraSiDuterteSa2025" — Ito ang ikinakampanya ni dating Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng matunog na pagkandidato ni dating Presidente Rodrigo Duterte bilang Senador sa 2025 elections.

“#IbasuraSiDuterteSa2025” — Ito ang ikinakampanya ni dating Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng matunog na pagkandidato ni dating Presidente Rodrigo Duterte bilang Senador sa 2025 elections.

Sa isang X (Twitter) post, hinikayat ni Trillanes ang netizens na magkalat ng katotohanan laban kay Duterte upang magising ang kanyang mga taga-suporta.

“Digong might run for Senator in 2025. So, we have a year to spread the truth about him to awaken his moderate supporters and so he’d be shunned by the new voters,” ani Trillanes.

“Let’s not be passive or else panalo ulit yan. #IbasuraSiDutertesa2025,” dagdag pa niya.


Ilang kaalyado ni Duterte na ang nagsabi na maaaring tumakbo sa pagka-Senador ang dating Pangulo sa susunod na taon.

Ngunit ayon kay Duterte, retirado na siya sa politika.