Trillanes hinamon si Imee Marcos: Duterte-China deal imbestigahan sa Senado

Natabangan si former Senator Antonio Trillanes IV sa pagsisi sa kanya ni Senadora Imee Marcos na sinisisi siya kaya nakapasok ang China sa Scarborough Shoal.

Natabangan si former Senator Antonio Trillanes IV sa pagsisi sa kanya ni Senadora Imee Marcos na sinisisi siya kaya nakapasok ang China sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Marcos, kasalanan umano ni Trillanes at yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino na ‘naisahan’ umano ang Pilipinas ng China.

Dahil sa bintang ni Imee, hinimok ni Trillanes ang mambabatas na manood ng isang explainer video kung saan pinaliwanag ni Trillanes kung anong nangyari noong siya’y maging ‘backchannel negotiator’ sa pagitan ng Pilipinas at China.


Giit ni Trillanes, hindi nila ‘binenta’ noon ang Pilipinas at wala ring iligal sa kanilang ginawa para subukang makipag-negotiate sa China noong lumalala ang tensyon sa Scarborough.

Kasunod nito, hinamon ni Trillanes si Marcos na gumawa ng imbestigasyon sa Senado patungkol naman sa ‘gentleman’s agreement ni Duterte at China.

“Better yet, I am requesting you, as the Chairperson of the Senate Foreign Relations Committee, to conduct an inquiry to shed light on the matter tapos isama na rin ang secret deal ni duterte sa Ayungin,” saad ni Trillanes.

Matatandaan na sa programang ‘Politiskoop’ ay inamin ni Atty. Harry Roque na nagkaroon ng kasunduan si Duterte at China na huwag magpasok ng construction materials sa BRP Sierra Madre.

Maraming tumuligsa sa naging kasunduan na ito, ngunit ayon kay Imee ay ‘OA’ umano ang mga bumabanat kay Duterte.