Trillanes ‘di kabado sa Digong-Sara tandem

Kung si former Senator Antonio Trillanes IV ang tatanungin, malabong mangyari ang tandem ng mag-amang Vice President Sara Duterte at ex-President Rodrigo Duterte sa 2028.

Sa panayam ng ‘Facts First’ ni Christian Esguerra kay Trillanes, sinabi nito na kung edad ni Digong ang titingnan, mahihirapan na itong sumabak sa eleksyon.

“He’s an old 80-year old. Hindi ‘yan ‘yung kagaya ni Enrile for example na kumakain ng saluyot at hindi palagimik, umabot ng 100. Eto hindi eh,” saad ni Trillanes.

“Walang disiplina ‘to sa katawan. Ang information nga eh nocturnal ito, mahilig ito magpuyat,” aniya pa.

Tingin ni Trillanes, posibleng ginagamit na lang political influence ni Digong kaya umuugong pa ang posibleng pagtakbo nito bilang Bise Presidente.

“Yung 2028 na ganyan na pino-float nila, pinipiga na lang ‘yung whatever political juice they may be able to extract from Digong,” wika ni Trillanes.