Trilateral summit susi sa payapang WPS – Marcos

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang unang trilateral summit ng Pilipinas kasama ang US at Japan ay magiging daan upang humupa ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang unang trilateral summit ng Pilipinas kasama ang US at Japan ay magiging daan upang humupa ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa pangulo, ang summit ay tanda ng lumalakas na suportang nakukuha ng Pilipina sa agawan ng teritoryo sa WPS.

“We hope that this trilateral agreement, which we formalized yesterday, will be a formalization of an added multilateral support and structure that will make the safety, the peace, and the stability of the South China a reality and continued to be a reality,” anang pangulo.

“I view of the new agreements, and the new partnerships and alliances that we have forged, including the trilateral agreement, not as a response to any particular challenge or threat but merely a continuing development and evolution of the relationship that we have been fostering over a hundred years,” wika pa ni Marcos.

Bago ang trilateral summit, nagkaroon ng isang maritime exercise ang Pilipinas, US, Japan, at maging ang Australia sa WPS.

Sa naturang pagsasanay, nanood na lang ang dalawang barko ng China na nasa ‘di kalayuang distansya.