Trilateral summit magpapalakas ng pwersa ng ‘Pinas sa WPS – Romualdez

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa trilateral summit ay maghahatid ng karagdagang tulong para mapalakas ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa trilateral summit ay maghahatid ng karagdagang tulong para mapalakas ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Marcos ay kasalukuyang nasa US kung saan makakapulong niya sina President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ayon kay Romualdez, ang pulong ng tatlong lider ay may magandang epekto sa katayuan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“I am optimistic that the discussions between President Biden, Prime Minister Kishida, and President Marcos Jr. will pave the way for enhanced cooperation in advancing our defense capabilities and ensuring regional security and stability,” pahayag ng House Speaker.

“The assistance and security cooperation with the US and Japan would enhance our country’s ability to maintain a credible defense posture in the face of increasing aggressive provocations by China in the West Philippine Sea,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, naniniwala si Romualdez na ang summit ay pagkakataon upang mapaigting ang ugnayan ng Pilipinas sa US at Japan, na siya namang makakatulong sa pagresolba ng gusot sa Indo-Pacific region.

“As we confront the challenges posed by aggressive actions in the West Philippine Sea, it is imperative that we stand united with our allies to uphold the rules-based order and defend our shared values and interests,” saad pa ng mambabatas.