Traydor mga pumabor! CBCP tinutulan divorce bill

Mariing tinutulan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kapapasa lang nitong Miyekoles na Absolute Divorce Bill.

Mariing tinutulan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kapapasa lang nitong Miyekoles na Absolute Divorce Bill.

Ayon sa CBCP, sinisira umano ng naturang panukala ang kasal, mga anak, at pamilya ng mga mag-asawang maghihiwalay.

“In essence, divorce is anti-family, anti-marriage, and anti-children,” pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary of the CBCP – Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA).

Aniya, hindi naman umano diborsyo ang sagot sa magulong relasyon sapagkat mayroon naman ng legal na pamamaraan para sa paghihiwalay ng mag-asawa.

“The fact remains that divorce is not the ultimate solution to problematic unions. We already have existing legal remedies to couple separation, and yet Congress decided to add more,” dagdag pa nito.

Samatala, nasa 126 kongresista ang bumoto pabor sa naturang panukala, 109 ang bumotong laban, habang 20 ang nag-abstain sa ginanap na session plenary.

Ayon sa pangunahing may akda ng naturang panukala na si Albay Rep. Edcel Lagman, ang diborsyo ay hindi para sa lahat; ito ay para sa mga may katanggap-tanggap na dahilan, at dapat suriin ng tamang korte.