Transport strike na naman! PISTON ilalarga 3 araw na tigil-pasada

Magdaraos ng tatlong araw na tigil-pasada ang grupong PISTON sa susunod na linggo upang iprotesta ang huling araw ng franchise consolidation sa Abril 30.

Magdaraos ng tatlong araw na tigil-pasada ang grupong PISTON sa susunod na linggo upang iprotesta ang huling araw ng franchise consolidation sa Abril 30.

Ayon kay PISTON deputy secretary general Ruben Baylon, Abril 29 magsisimula ang kanilang tigil-pasada, at magtatapos sa Mayo 1, na Labor Day.

“Ito ay kinakailangan nating gawin upang ipaglaban natin ang ating mga kabuhayan sa sektor ng transportasyon,” saad ni Baylon.

“Ang a-uno [ng Mayo], sabi nila, huhulihin na raw ang mga jeep. Karapatan ng mamamayang Pilipino na maglingkod sa sambayanan. Kung kaya, kahit na matapos ang deadline, hindi titigil sa pamamasada ang mga drayber at operator,” dagdag pa niya.

Inihayag rin ni Baylon na naghahanda rin ang grupong MANIBELA sa kilos-protesta.

Ang reklamo ng mga tsuper at operator ay ang deadline ng franchise consolidation sa Abril 30. Ang naturang consolidation ay kasama sa pag-implementa ng PUV modernization.