Trainee soldier dedo dahil sa pagta-training

Nag-collapse at binawian ng buhay ang isang trainee soldier mula sa Ternate, Cavite matapos itong sumailalim sa isang swimming training noong Miyerkoles.

Nag-collapse at binawian ng buhay ang isang trainee soldier mula sa Ternate, Cavite matapos itong sumailalim sa isang swimming training noong Miyerkoles.

Ayon sa awtoridad, natumba ang naturang trainee bandang alas-11:50 ng tanghali sa Marine Barracks Gregorio Kim ng Barangay Sapa I sa naturang lugar.

Sa kasawiang palad, agad na nasawi ang biktima na isa umanong Physician, isang araw matapos itong isugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.