Trahedya matapos ang masayang reunion sa Bicol! 6 ang patay, 9 sugatan sa disgrasya sa Cavite–pulis

Batay sa imbestigasyon, papunta talaga ang nasabing van sa Cubao dahil karamihan ng sakay nito ay taga-Antipolo. Subalit may nagpahatid muna sa Cavite, kung saan nangyari ang malagim na aksidente, ayon sa mga imbestigador.

Anim ang patay matapos sumalpok sa isang puno sa Naic, Cavite ang isang van na lulan ang isang magkakamag-anak na galing pang reunion sa Bicol.

Sa tindi nang pagkakabangga, kabilang ang drayber ng van sa mga namatay, samantalang siyam naman ang sugatan, ayon sa Naic municipal police station.

Batay sa imbestigasyon, papunta talaga ang nasabing van sa Cubao dahil karamihan ng sakay nito ay taga-Antipolo. Subalit may nagpahatid muna sa Cavite, kung saan nangyari ang malagim na aksidente.

“Ang usapan ay sa Cubao sila dapat sila ihahatid dahil halos karamihan dito puro mga taga-Antipolo. Kaya lang, ‘yung isa na sakay ay taga-Naic. Naikiusap ‘yung taga-Naic na i-drop by muna siya doon sa Naic,” kwento ng hepe ng Naic Police Station na si Lt. Col. Chester Noel Borlongan.

Ayon rin sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng van at nakatulog pa ang drayber nito kaya sumalpok sa puno.