Trabaho sa mga Bikolano handog ng Ako Bicol Partylist, DOLE

Nagsagawa ang Ako Bicol Partylist ng Tulong sa Panghanap-buhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) orientation para sa mga Bikolanong manggagawa sa Bacacay, Albay.

Nagsagawa ang Ako Bicol Partylist ng Tulong sa Panghanap-buhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) orientation para sa mga Bikolanong manggagawa sa Bacacay, Albay.

Kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), dinaluhan ng 804 benepisyaryo ang programa nitong Hunyo 19 na ginanap sa San Pedro Community College.

Pinangunahan ni Ako Bicol Congressman Jil Bongalon ang isinagawang TUPAD orientation.

Layunin ng programa na makatulong sa mga manggagawang Bikolano na makanap ng trabaho at panghanap-buhay.

Samantala, tuloy ang arangkada ng TUPAD sa mga lugar sa Albay sa mga sumunod na araw kung saan natulungan nito ang 185 benepisyaryo sa Vinisitahan Island Barangay Hall habang 347 naman sa Cabasan Elementary School.

TINGNAN: