Trabaho sa gobyerno, half day lang sa Miyerkoles

Hanggang alas-12 ng tanghali lamang ang pasok ng mga kawani ng gobyerno sa Miyerkoles, Marso 27.

Hanggang alas-12 ng tanghali lamang ang pasok ng mga kawani ng gobyerno sa Miyerkoles, Marso 27.

Ito ay matapos ilabas ng Malacañang ngayong Lunes ang Memorandum Circular 45.

Layunin ng memorandum na makauwi nang maaga ang mga empleyado sa kani-kanilang mga probinsya para sa Semanta Santa.

Samantala, hawak naman ng mga pribadong kompanya ang desisyon kung magsususpinde sila ng operasyon sa nabanggit na araw.