Trabaho pa more: PBBM tiniyak ang mas maraming trabaho sa mga Pilipino

"Sa Bagong Pilipinas, ang pag-unlad at kasaganaan ay hatid sa bawat tahanan, sapagkat tiyak na may magandang trabahong naghihintay para sa bawat Pilipino”.

Marami pang trabaho ang inaasahan para sa maraming Pilipino sa ilalim ng Administrasyon.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagbuti ng lagay ng labor force ng bansa sa 66.6 percent noong December 2023 at pag-angat pa ng employment rate sa 96.9 percent.

Sa kanyang X account, ikinatuwa ng Chief Executive ang magandang progreso at matatag na labor market matapos maitala ang pagbaba ng unemployment rate sa 3.1 percent at underemployment sa 11.9 percent.

“Sa Bagong Pilipinas, ang pag-unlad at kasaganaan ay hatid sa bawat tahanan, sapagkat tiyak na may magandang trabahong naghihintay para sa bawat Pilipino” giit ng Pangulo.

Kasabay nito, tiniyak niya na mananatiling committed ang kanyang administrasyon na magkaroon ng kaaya-ayang komunidad para sa employment growth. “We will continue to implement both demand- and supply-side interventions, including pro-investment reforms and strategic partnerships, to attract more investments”

Aniya, senyales din ito na bumuti ang kalidad ng trabaho at naging matatag ang sektor na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa nakararami.

“This positive momentum is attributed to robust growth across all major industry groups, with construction, agriculture, and services leading the way,” ayon pa kay Marcos.

Tiniyak pa ng Pangulo na ipupursige ng gobyerno ang mga hakbangin para mapag-ibayo ang kasanayan at kakayahan ng ating manggagawa upang mapaghandaan ang aniya’y “high-quality employment opportunities.”