Trabaho na tayo, guys! Pagtutulungan ng national gov’t, LGUs, mga ahensya, susi para sap ag ginhawa ng Pilipino — Romualdez

Sa sama-samang aksyon mula national hanggang lokal, matutulungan ng gobyernong kontrahin ang tumataas na presyo at antas ng inflation, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magkaisang kumilos upang kontrahin ang tumataas na presyo ng mga bilihin at antas ng inflation sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa mula national hanggang local levels.

“Now, more than ever, is the time for unity and teamwork. Let’s roll up our sleeves, work double-time, and deliver real results for our kababayans,” sinabi ni Romualdez sa isang pahayag.

Dahil nagsisimula na ang anihan ngayong buwan, tinatantya ni Romualdez na magsisimula nang bumaba ang presyo ng bigas, at kalaunan, ang ibang mga basic necessities rin.

“But this isn’t just about waiting for harvests. This is about all of us in government coming together to ensure our people feel relief faster,” paliwanag pa ni Romualdez.

Sinimulan na ang pagbabahagi ng P3,000 sa mga nangangailangan pamilya sa ilalim ng digital food stamp program ng Department of Social Welfare and Development. Makakatulong ito sa mga pamilyang nakakaranas ng kakulangan sa nutrisyon, at magbibigay rin ito ng dagdag tulong sa mga buntis at nagpapasuso.

Namahagi na rin ang gobyerno ng ayuda para sa mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan, ayon kay Romualdez.

“Farmers, the heroes behind our country’s food supply, haven’t been overlooked. Financial assistance is flowing to rice farmers, with an additional incentive; the government is committing to purchase their rice yields at improved rates, safeguarding their livelihoods and ensuring they receive just compensation for their hard work,” dagdag pa ng opisyal.

Pinuri rin ni Romualdez ang pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tanggalin ang mga karagdagang singil sa daan ng mga local government units.

“By cutting down these additional costs, we can anticipate a potential reduction in market prices, benefitting the everyday Filipino consumer,” paliwanag ni Romualdez.

“Our collective action, from local government units to national agencies, must reflect a single, unified goal,” sinabi pa ng House Speaker. “Only through synchronized efforts can we truly serve our people and fulfill our mandate.”