Trabaho na lang, ‘wag na mag-Marites pa! Mga miyembro ng Kamara, walang balak lumahok sa imbestigasyon ng Senado sa People’s Initiative

Hindi sisipot ang mga miyembro ng House of Representatives sa imbestigasyon ng Senado sa isinusulong na People’s Initiative dahil mas nais nitong magtrabaho na lamang kesa makipag-Marites pa, ayon kay House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose Dalipe.

Hindi sisipot ang mga miyembro ng House of Representatives sa imbestigasyon ng Senado sa isinusulong na people’s initiative.

Iyan ang sabi ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose Dalipe nitong Lunes, Enero 29, sa balitang sisimulan ngayong linggo ng Senado ang nasabing imbestigasyon.

Pangungunahan ito ni Sen. Imee Marcos, na una nang inakusahan si House Speaker Martin Romualdez na may pakana ng People’s Initiative.

“While we appreciate Senator Marcos’ open invitation to the Senate probe, it seems we in the House have our hands full crafting legislation aimed at enhancing the lives of our fellow Filipinos. It’s a demanding task, but someone’s got to do it,” saad ni Dalipe sa isang pahayag.

Gayunpaman, bukas pa rin raw ang Kamara sa mga diskusyong makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

“Perhaps while we focus on building bridges, others seem more inclined to hunt for witches. But rest assured, should our legislative schedule allow, we’d be more than willing to engage in fruitful discussions, preferably ones that construct, not deconstruct, our collective efforts for national progress,” sabi pa ng mambabatas.